SANAYSAY SA PANAHON NG HIMAGSIKAN
Ang
Liwanag at Dilim
Madalas
namang mangyari na ang Kalayaan ay sinasakal ng mali at bulag na
pagsampalataya, ng mga laon at masasamang ugali, at ng mga kautusang udyok ng
mga akalang palamara.
Kung kaya
may katwiran ay dahil may kalayaan.
Maaaring
mamahala ang mga hangal at lilong Pinuno, na mag-akala ng sa sarili bago ng sa
iyo, at salawin ka sa ningning ng kanilang kataasan at mga piling pangungusap
na nakalalamuyot. Kinakailangan ngang matalastas mo’t mabuksang tuluyan ang
iyong pag-iisip, nang makilala mo ang masama at mabuting Pinuno, at nang huwag
masayang ang di-masukat mong mga pinuhunan.
Ang
kadahilanan nga ng mga Pinuno ay ang Bayan, at ang kagalingan at kaginhawaan
nito ay siyang tanging dapat tunguhin ng lahat nilang gawa at kautusan.
Ano pa mang
mangyayari, ang mga Pinuno ay siyang mananagot.
Tungkol nila
ang umakay sa Bayan sa ikagiginhawa. Kailan pa ma’t maghirap at maligaw ay
kasalanan nila.
At kung ang
nagkakasala sa isang tao ay pinarusahan, ano kaya ang nararapat sa nagkakasala
sa Bayan, sa yuta’t yutang mga kapwa? Sakali’t ang pagkaligaw ay dahil di
nababatid ang daan, ano’t hindi pinabayaang mag-akay ang isang nakaaalam?
Lisanin na
natin ang pag-uugaling dinadala ang dating pani-niwala na ang mga Pinuno ay
panginoon ng Bayan at magaling ang kaginhawahan ng lahat ay siya nilang tungkol
upang huwag nilang makalimutan.
Kaya nga’t
ang alinmang kapangyarihan upang maging tunay at matwid ay sa Bayan lamang at
sa kanyang mga tunay na Pinakakatawan dapat na manggaling.
Sa madaling
salita, di dapat nating kilalanin ang pagkatao ng mga Pinuno na mataas kaysa
madla. Ang pagsunod at pagkilala sa kanila ay dahil sa kapangyarihang
ipinagkaloob ng Bayan, sumakatwid, ang kabuuan ng mga kapangyarihan ng bawat
isa.
Sa bagay na
ito, ang sumusunod sa mga pinunong inilagay ng Bayan ay dito sumusunod, at sa
paraang ito’y nakikipag-isa sa kalahatan. At ang pakikipag-isang ito ay siyang
daang tangi ng kaasyusang kinakailangan ng kabuhayan ng Bayan.
Ito’y
siyang paraan lamang upang ang malupit at marayang kaliluhan na ngayo’y
lumagpak na ay huwag na muling magbangon at magdamit-bayani o tagapagtanggol
kaya ng Bayan at kalayaan. Na kung magkaganito ma’y kanyang ililihis ang
katwiran, iinisin ang Bayan at sasakalin ang kalayaan sa dahilang hango din
kunwari sa tatlong bagay na ito at kawili-wiling dinggin.
Wala na
ngang makapangangalaga sa sarili na gaya ng tunay na may katawan. Gayundin
naman ang Bayan. Upang huwag magaga, huwag maapi, kinakailangang magkaloobito
na kunilala at tumakwil sa mga lilong may balatkayo.
Sa
katahimikan ng bawat panig ng Bayan at kaalwanan ay hindi maaaring di
pamagitanan ng isang kataas-taasang kapangyarihang hango sa kabuuan at laan sa
laging pagkakaisang binhi ng lakas at kabuhayan.
Magbuhat
nga sa lalong mataas na pinuno hanggang sa kahu-lihulihang mamamayan ay dapat
na gumamit ng lubos na pitagan at pagtupad sa mga pasiya ng kataas-taasang
kapangyarihang ito na hinahango sa kabuuan at ginaganap sa kaparaanan
ng
kapisanan ng mga Pinakakatawan ng Bayan o Kongreso.
Ay! Ngunit
ang tunay na nararapat at ang katwiran ay madalas na guluhin at takpan ng malabis
na paghahangad ng karangalan, ng lampas na pag-iimpok sa sarili, at ng gumigiit
na gawing masasama.
Ang
kapangyarihan ng mga Pinuno ay dapat na iasa lamang sa pag-ibig at pagmamahal
ng Bayan, na dili mangyayaring makamtan kundi sa maganda’t matwid na
pagpapasunod.
Anung
laking kamalian ng mga pusong maisip na nagpupumilit magpasikat ng
kapangyarihan sa kaparaanan ng lakas ng baril! Mga pikit na mata! Aayaw
kumuhang halimbawa sa mga nangyaring kakilakilabot sa mga nagdaang panahon!
Wala nang
magaang akayin na gaya ng mga loob na tapat; datapwat wala namang napopoot na
gaya nila laban sa di matwid at mararahas na paraan at sa hamak na
pagpapakumbaba.
Ang
kaginhawahan, wala na kundi ang kaginhawahan ng Bayan, ang siyang talagang
katwiran at kadahilanan, ang simula’t katapusan, ang hulo’t wakas ng lahat ng
katungkulan ng mga tagapamahala.
Ngunit ang
kaginhawahang ito’y madalas agawin at hatiin kung ang mga karangalan ay
kinakamtan ng mga sukab na mapagmapuri, kung ang mga pala at katwiran ay
ibinibigay sa udyok ng suhol at pagkapit sa malalaki. Siya nang pagyaman ng
masasama at paglitaw ng mga palalo.
Umasa na
ang masasamang ito’y bumago at kusang bumuti ay malaking kamalian. Ang mga
ito’y katulad ng hunyango na bumabagay sa kulay ng kahoy na dinadapuan. Ang
lunas na kinakailangan upang huwag mangyari at masunod ang papaganitong
kasamaan ay wala kundi ang pagliliwanag ng isip ng Bayan at ang bagong
pag-uugali.
Ang mga
kautusan nga, dahil nagbubuhat sa loob ng Bayan, ay unang dapat na igalang at
sundin bago ang mga Pinuno pagkat ito’y mga katiwala lamang ng pagpapatupad ng
kautusang ito. Ang dating masamang ugali na ang pagkahukom ng hukom ay siyang
kauna-unahang binibigyang halaga ay pinanggagalingan ng malalaking kasamaan
pagkat napupuwing ang katwiran, at ang mga kautusan.
Dapwat
baguhin ang ugali, samakatwid, pahalagahan ang mga kautusan na una sa lahat,
palibhasa’y bunga ng nais ng kalahatan; at ang mga hukom, kung ibig na manatili
sa pagkahukom ay pilit na gaganap ng wastong katwiran, at sa aba nila!
Kung ang
nalalaban dito ang siyang aakalain.
Wala na
kundi ang kaginhawahan ng Bayan ang tunay na sanhi ng alinmang kapangyarihan sa
ibabaw ng lupa. Pagkat ang Bayan ay siyang lahat: dugo at buhay, yaman at
lakas, lahat ay sa Bayan. Ang mga kawal na naghahandog ng buhay ay sa
pagta-tanggol ng buhay ng lahat ay taganas na Anak ng Bayan.
Ang
kayamanan ng Gobyerno ay nanggagaling sa mga Anak ng Bayan; ang laki at tibay
ng kapangyarihan ay sa pagkilala’t pagsunod ng sa Bayan nagbubuhat; at ang
tungkol ikinabubuhay ay ibinibigay na lahat ng Anak nh Bayan na nagpapabunga ng
lupa, nag-aalaga ng mga hayop, at gumagawa ng mga sangkap at gamit na lahat sa
kabuhayan.
Ang Anak ng
Bayan ay lagi nang inaagawan ng bunga ng kapaguran niyang sarili upang mamalagi
at madagdagan ang kapangyarihan at bagsik ng Namamahala at Pamahalaan
(Gobyerno) na dahil sa pagkaliyo sa mabangong suob ng mapagpuring kaakbay ay
nakalilimot tuloy na ang kanilang buong lakas, kalakhan, at kataasang
ipinatatanghal ay galing na lahat sa mga kampong inaalipin at ibinabaon sa
dalita.
Sapagkat
ang Bayan nga, upang manatili at mabuhay, ay nakita na nating nangangailangan
ng isang pinakaulo o Gobyerno, nauukol din naman ang magkaloob dito ng mga
ambag na kinakailangan, na kung wala ay hindi maaari, bagama’t ang mga buwis o
ambag ng Bayan ay sa tangi at lubos na kapakinabangan ng lahat dapat na
gamitin.
Ang
kalayaan ng tao ay ang katwirang tinataglay na talaga ng pagkatao na umisip at
gumawa ng anumang ibigin kung ito’y di nalalaban sa katwiran ng iba.
Ayon sa wastong
bait, ang katwirang ito ay siyang ikinaiba ng tao sa lahat ng nilalang.
Kaya nga’t
may panahon din na dapat antayin na ang sigaw ng katotohanan ay sasapit sa mga
isip na kinakalong ng kadiliman, at ang matwid ng pagkakapantay-pantay ng tao
ay yayakaping tunay ng mga pusong nahihimbing sa kalikuan.
Alinmang
kapangyarihan upang maging tunay at matwid ay sa Bayan lamang at sa kanyang mga
tunay na Pinaka-katawan dapat na manggaling.
Sa madaling
salita, di dapat nating kilalanin ang pagkatao ng mga Pinuno na mataas kaysa
madla. Ang pagsunod at pagkilala sa kanila ay dahil sa kapangyarihang
ipinagkaloob ng Bayan, suma-katwid, ang kabuuan ng mga kapangyarihan ng bawat
isa.
Repleksyon:
Wag
papasilaw sa ningning na ating nakikita sapagkat maaari tayong masilaw at
masira bagkus tayo'y tumingin sa liwanag kung saan mas dapat nating
pinagtutuunan ng pansin. Dapat tayong nagliliwanag sa dilim upang matanggap
natin ang tunay na kalayaan na ninanais natin.
https://arete.ateneo.edu/connect/ang-liwanag-at-dilim-ni-emilio-jacinto
Comments
Post a Comment