PANAHON NG LAKAS BAYAN HANGGANG SA KASALUKUYAN
Panaginip na Gising
ni Silvestre M. Punsalan
Marami ka nang nabasa at narinig tungkol sa mga pangyayari
noong nakaraangdigmaan. Marami sa mga kaibigan mo, kapit-bahay, at kahit di
kakilala, ang namatayan, nasugatan, nasunugan, at nawalan. Dahil sa mga
pangyayaring ito, sa sandal ng iyong
pagtataka, nagtatanong ka . . . bakit? Iniisip mo,
“akala ko marunong ang Diyos, maawainat kasukdulan ng lahat ng dangal at
kabanala.” Totoo kayang kagustuhan din niya ang
bagsik ng digmaan at ang mga pagkakataong nagpapalabas ng magaspang na katibayanng
kalupitan ng tao: ang paglaplap ng laman, ang pagdukot ng mata, ang pagtapos
nghita, ang hatiin ang ng dalawang kalabaw, ang pagbunot ng buko, ang paggilit
ng leeg, ang paglagari ng balikat, ang pagbali ng tadyang sa pamamagitan ng
palupalo- totoo kayana lahat nito at iba pang nagawa na hindi nangyari
kahit sa panaginip mong nilalagnat. totoo kayang kagustuhan din ng Diyos ang
lahat? Mga tanong na hindi mo masasagotdahil sa tatlong taon ng pananakop
nasupil pati ang hibang mong pag-iisip. Ngayon sa mga tahimik mong sandal
lumilingon ka sa nakaraan, binabalikan mo ang mga
tanong na hindi mo masagot noong mga sandal mong tulala,
subali’t magkaparis ang
ngayon at ang noon, hindi mo rin sila masagot. Hindi mo alam
sagutin kung bakit napahintulutan ng Diyos na puno nng lahat ngkabaitan na
mangyari sa sementadong daan ng maingay na Maynila ang mga ito: maraming taong
nabubuwal na hindi na makatayo, gumagapang sa tabi ng pader upangmarating ang
pamp
ang ng ilog Pasig sa ilalim ng tulay ng “Quezon” sa Kiyapo
at
napupugto ang hininga sa gutom. Ninais niyang doon mamatay
upang kung magdaraanang taong may natitira pang awa, sisipain ang patay upang
mahulog sa ilog nang hindi naibibili ng kabaong ng kanyang kamag-anak ang mga
butong nakabalot ng balat na sukatsanang tawaging bangkay. Lumipas ang mga
malinaw mong sandal na parang mga sandaling tulala. Susukoka na! hindi mo na
kayang isipin ang maraming binigay na palaisipan sa iyo ngnakaraang digmaan.
Mahina ang loob mo.Kung kalian mo lang tiningnan ang pagpaparangalan ng
nakalululang palasyo saating baybay-dagat at nakita mo ring nakalublob sa putik
ang kural-baboy natinutulungan ng tao sa Tondo; minasdan mo ang nagpapakasawa
sa pagkaing nasa mga palamigan, malinis at maluwag na asoteya ng hotel sa tabi
ng dagat dinadayo ngmayaman, at nakita mo rin naman na nakatapak at nakapaligid
sa maralitang dulang angmaraming gutom na tinatawag ding tao; narinig mo rin
naman ang kaluskos ng maraminghindi mapakaling manggagamot na nagbabantay sa
maysakit na maraming ibabayad,malinaw mong narinig ang daing ng walang
hinihintay na naghihingalong may sakit nawalang gamot; nakapaligid ang maraming
botikang puno ng gamot ilang dangkal mula sahihigan niya. Nakita mong lahat
iyan. Noon hindi mo mauanawaan ang kahulugan nito. Noong dumating ang digmaan,
sa mga nalilito mong sandal sa pinaglikasang pook, marahan, maliwanag, matindi
at maingay, dumaang lahat iyan sa iyong panimdim, parang palabas na may kulay.
Ikaw, naalis ang iyong pagtataka. Nalaman mo noon na. magkasingn halaga ang
buhay ng may palasyo sa baybay-dagat at ang nakabaluktot salamig sa dampang
kugon; magkakulay din ang dugo nila.
Hindi nangangayupapa ang kamatayan kahit sa nakasakay sa
“Cadillac”.
Pagkatapos mong madalumat ang lahat pagkaraan ng ilang
buwan, nagisnan mo anglamig ng Disyembre na may dalang patalim at ang init ng
tag-araw na nagsusunog ng balat. Ang panahon ng buhay sa pamamagitan ng digmaan
at kamatayan ang naniningilng pautang. Natauhan ka sa katutuhanang nakita mo
dahil hindi pala palabas na maykulay kundi tunay na dugong tumutulo at tunay na
buhay na namatay sa patalim ng galitat paghihiganti. Naisip mo noon na baka
kagustuhan din ngn Diyos ang digmaan upang ipakilalasa mga palalo na sa mundo mayroon
pang ibang bagay maliban sa kanilang sarili. Ngayon, hindi ka na natatakot
dahil sinasabi ng iyong puso na sa lahat hindilaganap ang ngayon, na ang
kahapon ay hindi sukatan ng bukas, at ang bukas ngayonlang ng kahapon ng bukas
ngayon . . . dahil malikmatang lahat ng panaginip ng gisingn. Pati na ang
digmaan.
Repleksyon:
Pinapahintulan ng Diyos ang lahat ng bagay sapagkat alam
niya na ito ay ating mapapagtagumpayan. Hindi niya pahihintulutan ang ganitong
pagsubok kung hindi natin kaya. Kaya ang dapat nating gawin ay pukawin ang
ating puso at diwa at kahit ano pang mapait na karanasan ang nangyari sa
nakaraan ito ay mapapalitan ng kasiglahan.
Comments
Post a Comment