SANAYSAY SA PANAHON NG KASTILA

 

Sa Katungkulan sa Bayan

ni: Padre Modesto de Castro

Felisa: Si Honesto, kung makatapos na nang pag-aaral, matutong bumasa ng sulat, sumulat, cuenta at dumating ang kapanahunang lumagay saestado, ay di malayo angsiya'y gawing puno sa bayan, kaya minatapat ko sa loob na isulat sa iyo ang kanyangaasalin. Kung siya'y magkakatungkulan, at ang sulat na ito'y ingatan mo at nang may pagkaaninawan kung maging kailagan. Ang mga kamahalan sa bayan, ang kahalimbawa'l korona na di ipinagkakaloob kundi sa may karapatan. Kaya di dapat pagpilitang kamtan kundi tanggihan, kung di mapapurihan; ang kamahalan atkarangalan ang dapat humanap ng koronang ipuputong. Ang karangalan, sa karaniwan, ay may kalangkap na mabigat na katungkulan, kaya bago pahikayat ang loob ng tao sa pagnanasa ng karangalan, ay ilingap muna ang mata sa katungkulan, at pagtimbang-timbangin kung makakayanang pasanin. Pag-aakalain ang sariling karunungan, kabaitanat lakas, itimbang sa kabigatan ng katungkulan, at kung sa lahat ng ito'y magkatimbang-timbang, saka pahinuhod ang loob sa pagtanggap ng katungkulan, nguni't hindi rin dapat pagnasaan at pagpilitang kamtan, subali't dapat tanggapin, kung pagkakaisahan ng bayan, at maging kalooban ng Diyos.

Ang magnasang makamit ng kamahalan sa bayan, sa karaniwan ay hindi magandangnasa, sapagka't ang pinagkakadahilanan ay di ang magaling na gayak ng loob na siya'y pakinabangan ng tao, kundi ang siya ang makinabang sa kamahalan; hindi ang pagtitiisng hirap sa pagtupad ng katungkulan, kundi ang siya'y maginhawahan; hindi ang siya'y pagkaginhawahan ng tao, kundi ang siya'y paginhawahin ng taong kanyang pinagpupunuan.

Ang masakim sa kamahalan, sa karaniwan ay hindi marunong tumupad ng katungkulan, sapagka't hindi ang katungkulan, kundi ang kamahalan ang pinagsasakiman; salat sa bait, sapagka't kung may iniingat na bait, na makikilala ang kabigatan, ay hindi pagpipilitan kund bagkus tatanggihan, kaya marami ang makikitang pabaya sa bayan, walang hinarap kundi ang sariling kaginhawahan; ang mayaman ay kinakabig, at angimbi ay iniiring. Kaya, Felisa, ingatan mo si Honesto, pagdating ng kapanahunan, tapunan mo ng magandang aral, nang huwag pumaris sa iba na walang iniisip kundi angtingalain sa kaibuturan ng kamahalan, suknan, igalang at pintuhuin ng tao sa bayan.

Huwag limutin ni Honesto, na ang karangalan sa mundo, ay para rin ng mundo, na maykatapusan; ang fortuna o kapalaran ng tao, ay tulad sa gulong na pipihit-pihit, ang nasa-itaas ngayon, mamaya'y mapapailaliman, ang tinitingala ngayon, bukas aymayuyurakan, kaya hindi ang dapat tingnan lamang ay ang panahong hinaharap kundi pati ng haharapin. Itanim mo sa kanyang dibdib, ang pagtupad ng katungkulan, na sakaling tatanggapin niya, sapagka't may pagusulitan, may justicia sa lupa't may justicia sa langit; ang malisan ng justicia rito, ay di makaliligtas sa justicia ng Diyos.

Huwag magpalalo, sapagka't ang puno at pinagpupunuan, di man magkasing-uri, ay isarin ang pinanggalingan, isa ang pagkakaraanan at isa rin naman ang kauuwian; Diyosang pinanggalingan, kaya magdaraang lahat sa hukuman ng Diyos at Diyos din namanang kauuwian.

Huwag magpakita ng kalupitan sa pagnanasang igalang ng tao, sapagka't hindi angkatampalasanan, kundi ang pagtunton sa matuwid, at pagpapakita ng magandang loob, ang iginagalang at minamahal ng tao. Mahal man, at kung malupit, ay di namamahal, kundi kinalulupitan, at pagkatalingid ay pinaglililuhan ng kaniyang pinaglulupitan. Angkapurihan ng mahal na tao ay nasa pagmamahal sa asal, at pagpapakita ng loob, pamimihag ng puso ng tao; nguni't ang pagmamalaki at pagmamataas, ay tandang pinagkakakilanlan nang kaiklian ng isip, at pinagkakadahilanan ng pagkapoot ng kaniyang kapwa.

Kailan ma'y huwag lilimutin ng puno ang kaniyang katungkulang lumingap sa lahat, mahal man at hindi, sapagka't ang paglingap niya ay laganap sa lahat, ay di lamang siyaang mamahalin ng tao, kundi sampo ng kaniyang familia, at sa panahon ng kagipitan, aydi magpapabaya ang kaniyang pinagpakitaan ng magaling.

Pakatatandaan, na ang isang ginoo, o mahal na marunong tumupad ng katungkulan, tapat na loob sa mga kaibigan, mapag-ampon sa mga mabababa, maaawain sa mahirap, ang ganitong mahal ay ligaya at kapurihan ng bayan, at hari ng lahat ng puso. Sakatagang wika'y ang tunay na kamahalan, ay nasa pagmamahal sa asal, at paggawa ngmagaling.

Unti-unti, Felisa, na ipakilala mo kay Honeto ang kahalagahan ng mahal na asal, ng pagtunton sa matuwid at kagandahan ng loob. Itala mo sa kanyang dibdib, na ang baculo, trono, corona ma't cetro ay walang halaga, kung di napapamutihan nitongmahahalagang hiyas. Ipahayag mo kay ama't ina ang kagalangan ko sa kanila. Adyos, Felisa, hanggang sa isang sulat.

 

Reflection:

Huwag kalimutan na ang karangalan sa mundo ay kagaya rin ng mundo – may katapusan. Ang palad ng tao ay tulad sa gulong na umiikot: ang nasa itaas ngayon, mamaya’ymapapailalim; ang tinitingala ngayon, bukas ay yuyurakan. Kaya ang dapat tingnan ay hindiang kasalukuyan lamang kundi pati ang haharapin. Itanim sa dibdib na ang pagtupad ngkatungkulan ay ipinagsusulit hindi lamang sa hustisya sa lupa kundi sa hustisya rin naman salangit; ang makalangitan ng hustisya rito ay hindi makaliligtas sa hustisya nang Diyos.

 

https://www.scribd.com/document/152688501/Ang-Katungkulan-Sa-Bayan

Comments

Popular posts from this blog

SANAYSAY SA PANAHON NG HIMAGSIKAN

TALUMPATING PAGPAPAKILALA

TALUMPATING PANGKABATIRAN