SANAYSAY SA PANAHON NG MILITAR AT BAGONG LIPUNAN:

 

FILIPIN(A)

Kaya nga, madaling mawala ang mga bagay na pinababayaan lamang, ang mga bagay na hindi masyadong pinagtutuunan ng pansin, yung mga bagay na kampante ka na hindi mawawala.

     Ganoon talaga - lilipas ang lahat ng bagay sa mundong ito. Nasa sa atin na lang kung paano haharapin ang katotohanang ito. Hindi lahat ng bagay papabor sa iyo, ngunit puwede mong paboran ang sitwasyon.

     Hindi nga lang sa lahat ng pagkakataon.

     Tulad na lamang ng "aksidente" noong Martes ng gabi (Pebrero 25, 2014) sa isang mall sa Binondo, Manila. Isang tatlong taong gulang na batang na nagngangalang Charles Ivan Pascual ang nabawian ng buhay matapos makaladkad ng rubber hand rail ng escalator at mahulog mula sa ikalawang palapag ng mall. Hindi gaanong binabanggit sa balita ang pangalan ng mall at sa pagay ko'y wala akong kadahilanang ilagay pa ito rito. Kung sa bagay, wala namang pagkukulang ang naturang mall. Kasama ng bata ang ina at kapatid nang mangyari ang "aksidente." Nabaling ang atensiyon ng ina sa isang pares ng sapatos kaya't di namalayan na bumitaw na ang anak at naglaro mula sa escalator. Agad namang isinugod ng pamahalaan ng mall sa Justice Jose Abad Santos General Hospital ang bata at sinagot ang gastusin sa ospital pati na rin sa pagpapalibing.

     Gayunpaman, ayon sa artikulo ni Ludy Bermudo sa Philstar noong Pebrero 27, 2014, naghain daw ng reklamo ang magulang laban sa pamahalaan ng mall.

Nais kong itanong ...

Magreklamo na ano? Bakit? Masyadong mabilis ang takbo ng escalator? Hindi nagbigay babala na delikado ang maglaro malapit dito? Sinagip ba dapat ng mga tauhan ng mall ang bata? Alam kong masakit mawalan ng anak. Ngunit hindi ko na alam kung ano ang pakiramdam ng mawalan ng isang bagay o tao na napakahalaga sa buhay dahil sa kapabayaan. Nakakainis dahil hindi maako ang pagkakamali. Napaka-dependent. Hanggang maaaring may ibang mananagot sa sariling pagkakamali, hala siya. Sige. 

     Kapag hindi mo talaga alam ang mga bagay na mahalaga sa iyo, mawawala ang lahat. Mas mahalaga ba ang sapatos kaysa sa kapakanan ng tatlong anyos mong anak? 
 Malamang, "hindi" ang sagot. Sana "hindi" ang sagot. 

 Tulad na lamang ng aral na iniwan ng sanaysay na tinalakay sa klase, sa panahon ngayon mabilis tayong magpadala sa mga bagay na pansamantala. Ang lakas ng dating ng mga ito sa atin. Kung sa Pateros, wala nang gustong magtuloy ng pag-iitik dahil out of date na ito, ayaw kong isipin na wala nang halaga ang buhay dahil may ibang bagay pa na mas pinahahalagahan. Hindi naman katanggap-tanggap na sa mga kuwento na lang din mabubuhay ang alaala ng mga inosenteng bata sa parehong paraan na sa kuwento nalang nabubuhay ang alaala ng masiglang bayan ng Pateros. 

     Hindi ito "aksidente" tulad na lang ng pagkawala ng ilog sa Pateros. Ngunit tulad din ng ilog ng Pateros, hindi na maibabalik ang buhay ng bata. 

     At ang escalator, parang agos lang ng buhay. Kailangang makasabay ka. At kung maaari, dapat may sasabay sa iyo, kundi, hahamakin ka. 

     "Never lose sight of what is important." Mapapagtanto mo lang na biyaya ang kung anong meron ka kapag nawala na ito sa iyo. 

Repleksyon:

Madaling tingnan ang tao at makabuo ng agarang paghatol ukol sa kanila, sa kanilang kasalukuyan at kanilang pinagdadaanan, ngunit mamamangha ka nang labis sa kirot at luha na kayang itago ng iisang ngiti. Wag manghusga, matutong magbigay-galang, at kilalanin ang nararamdaman ng kapwa.

 https://mitchpimentel.weebly.com/?fbclid=IwAR0xXxZIl1BClvBXDXhrBlj9_JFL-0PvHtN2CiZTtvpjBvHxowJpwhaUFrw

Comments

Popular posts from this blog

TALUMPATING PAGPAPAKILALA

SANAYSAY SA PANAHON NG HIMAGSIKAN

TALUMPATING PANGKABATIRAN