Talumpati: Pagpapakilala sa Panauhing Pandangal Isang kaaya-aya at pinagpalang araw po sa inyong lahat. Sa hapon pong ito, ating makikilala ang ating taga-pagsalita na isang mabuting mag-aaral ng La Consolacion University Philippines. Siya ay nagmula sa Grand Royale Subd., Pinagbakahan, City of Malolos, Bulacan. Siya ay may edad na 18. Pangalawang anak nina G. Roger Robles at Gng.Carlota Robles. Nagtapos siya bilang honor student sa pagka-elementarya sa Mary the Queen School of Malolos. Pinagpatuloy naman niya ang pagka-sekondarya sa Marcelo H. del Pilar National High School at kasalukuyang kumukuha ng Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) sa ating pinakamamahal na paaralan ang - La Consolacion University Philippines. Malugod ko pong ipinapakilala sa inyo ang ating panauhing tagapagsalita, palakpakan po natin siya Bb. Alyssa R. Robles.
Ang Liwanag at Dilim Madalas namang mangyari na ang Kalayaan ay sinasakal ng mali at bulag na pagsampalataya, ng mga laon at masasamang ugali, at ng mga kautusang udyok ng mga akalang palamara. Kung kaya may katwiran ay dahil may kalayaan. Maaaring mamahala ang mga hangal at lilong Pinuno, na mag-akala ng sa sarili bago ng sa iyo, at salawin ka sa ningning ng kanilang kataasan at mga piling pangungusap na nakalalamuyot. Kinakailangan ngang matalastas mo’t mabuksang tuluyan ang iyong pag-iisip, nang makilala mo ang masama at mabuting Pinuno, at nang huwag masayang ang di-masukat mong mga pinuhunan. Ang kadahilanan nga ng mga Pinuno ay ang Bayan, at ang kagalingan at kaginhawaan nito ay siyang tanging dapat tunguhin ng lahat nilang gawa at kautusan. Ano pa mang mangyayari, ang mga Pinuno ay siyang mananagot. Tungkol nila ang umakay sa Bayan sa ikagiginhawa. Kailan pa ma’t maghirap at maligaw ay kasalanan nila. At kung ang nagkakasala sa isang tao ay pinarusahan, ano k...
Talumpating Nagpaparangal Ang Pag-ibig ng Isang Ina Talumpati ni Rizaro Pag-ibig ng isang Ina Marahil kung ito ay inyong maririnig, unang papasok sa inyong isipan ang inyong kasintahan. Bihira sa mga dalaga at binatang kagaya natin na ang una at tanging maiisip ay ang ating mga magulang. Ang mga salitang aking bibigkasin, ang ideya ng talumpating aking ilalahad sainyong harapan ay marahil batid ninyo nang lahat. Kaya’t ang layunin ko ay mapaalalahanan at makilos ang damdamin ng aking mga tagapakinig ukol sa isang paksang mula sa aking puso: Ang Pag-ibig ng Isang Ina. Mula nang tayo’y nasa sinapupunan nila, ay tayo’y kanila nang binubuhay. Siyam na buwang nagdalang-tao ang ating mga ina. Nang tayo ay mailuwal ay walang tigil na nila tayong inalagaan. Bawat dagok ay sinisikap nilang masolusyonan up...
Comments
Post a Comment