Posts

Showing posts from May, 2022

TALUMPATI NI SHERYL MAE MARASIGAN

 Sino Ako Isang magandang araw sa ating lahat nais ko lamang sabihin sa inyo kung sino ba si Sheryl Mae E. Marasigan? marahil nakikita ninyo ako sa kung saan saan o kilala ninyo ako sa pangalan ko pero magpapakilala ako sa talumpating ito. Ako si Sheryl Mae E. Marasigan anak ni Myrna C. Eresare at ni Dante U. Marasigan may tatlong kapatid na sina Shea Nhaya Marasigan at si Sheryn Marasigan. Ako ay 20 taong gulang na nakatira sa Malamig, Gloria, Oriental Mindoro purok 4. Ako ay isang batang hindi mayaman pero hini rin sobrang hirap, nag aral ako sa Malamig Elementary School noong elementary at sa Malamig National High School naman nong high school pinag aral ako ng aking ina sa EMA EMITS College Philippines isang private School noong Senior High at kasalukuyang nag aaral sa Mindoro State University o MINSU.  Ako ay batang hindi sobrang talino pero nakakaunawa at natuto, mahilig ako tumugtog ng gitara, ukelele at piano, mahilig sumayaw at kumanta ito ang aking libangan kapag wal...

TALUMPATING PAMPASIGLA

 https://youtu.be/jtZ6zYNmybU

TALUMPATING PAGPAPANGARAL

 Talumpating Nagpaparangal   Ang Pag-ibig ng Isang Ina             Talumpati ni Rizaro                                        Pag-ibig ng isang Ina Marahil kung ito ay inyong maririnig, unang papasok sa inyong isipan ang inyong kasintahan. Bihira sa mga dalaga at binatang kagaya natin na ang una at tanging maiisip ay ang ating mga magulang. Ang mga salitang aking bibigkasin, ang ideya ng talumpating aking ilalahad sainyong harapan ay marahil batid ninyo nang lahat. Kaya’t ang layunin ko ay mapaalalahanan at makilos ang damdamin ng aking mga tagapakinig ukol sa isang paksang mula sa aking puso: Ang Pag-ibig ng Isang Ina. Mula nang tayo’y nasa sinapupunan nila, ay tayo’y kanila nang binubuhay. Siyam na buwang nagdalang-tao ang ating mga ina. Nang tayo ay mailuwal ay walang tigil na nila tayong inalagaan. Bawat dagok ay sinisikap nilang masolusyonan up...

TALUMPATING PAGPAPAKILALA

Talumpati: Pagpapakilala sa Panauhing Pandangal Isang kaaya-aya at pinagpalang araw po sa inyong lahat. Sa hapon pong ito, ating makikilala ang ating taga-pagsalita na isang mabuting mag-aaral ng La Consolacion University Philippines. Siya ay nagmula sa Grand Royale Subd., Pinagbakahan, City of Malolos, Bulacan. Siya ay may edad na 18. Pangalawang anak nina G. Roger Robles at Gng.Carlota Robles. Nagtapos siya bilang honor student sa pagka-elementarya sa Mary the Queen School of Malolos. Pinagpatuloy naman niya ang pagka-sekondarya sa Marcelo H. del Pilar National High School at kasalukuyang kumukuha ng Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) sa ating pinakamamahal na paaralan ang - La Consolacion University Philippines. Malugod ko pong ipinapakilala sa inyo ang ating panauhing tagapagsalita, palakpakan po natin siya Bb. Alyssa R. Robles.

TALUMPATING PAMPALIBANG

 https://youtu.be/ONxqDlpwGHU

TALUMPATING PANGKABATIRAN

 Paraan Upang Maiwasan Ito Ng Mga Kabataan Para sa ating mga ordinaryong mamamayan hinihikayat ko kayo na makibahagi at gawing ang nararapat bilang isang responsableng mamamayan. Umpisahan natin ang pagpapalaganap ng disiplina at takot sa ating mga anak sa loob mismo ng ating bawat tahanan. Ang batang busog sa aral at pagmamahal ng mga magulang ay malayong mapapariwara sa buhay. Huwag nating konsentihin ang mali na nakikita natin. Ang problema sa droga ay hindi lamang suliranin ng ating gobyerno.Ang bawat isa sa atin ay may obligasyon. Huwag nating hayaan na darating ang panahon na mapapasama ang sinuman sa ating pamilya sa datos ng mga taong lulong at pinapatay ng dahil sa droga. Makuntento na tayo kung ano ang mayroon at huwag maghangad pa ng mga bagay na hindi naman natin kaya. Mahirap humusga at maging eksperto, dahil sa kung ano ang kadahilanan ng mga nagtutulak at mga adik ay tanging sila-sila na lamang ang nakakaalam. Mag-isip sana tayo kung ano ang ating maitututlong sa ati...

TALUMPATING NAGBIBIGAY GALANG

 Pamamaalam ng isang Ina Isang nakakatakot na karanasan ang pag-aagaw buhay. Ang pakikipag-agawan sa kamatayan ng sariling buhay, ang pakiramdam ng tila nahuhulog sa isang malaki at napakalalim na balon, at ang unti-unting pagsikip ng iyong dib-dib na nagpapahirap sayong paghinga. Ito ang pakiramdam ng nag-aagaw buhay, ngunit paano kung ang ating pinakamamahal na ina ang makaranas nito sa hindi inaasahan at biglaang pangyayari? Na hindi tayo handa para sa kung anumang maaaring mangyari? Na ang magagawa mo na lamang ay magdasal ng ilang libong beses sa Panginoon at hilingin sakanya na huwag munang kunin ang iyong ina? Ang pinakamasakit na mga salitang dumurog sa aking puso at nagpatulo ng aking mga luha ay hindi ang mga salitang “Pasensya na, pero hanggang magkaibigan nalang talaga tayo” na nanggaling sa aking sinisinta, kundi ang umiiyak at naghihikahos na pamamaalam ng aking ina noong nasa birit sya ng kamatayan, na sa tuwing maaalala ko ang pangyayaring ito ay gumigilid ang aking...

PANAHON NG LAKAS BAYAN HANGGANG SA KASALUKUYAN

  Panaginip na Gising      ni Silvestre M. Punsalan Marami ka nang nabasa at narinig tungkol sa mga pangyayari noong nakaraangdigmaan. Marami sa mga kaibigan mo, kapit-bahay, at kahit di kakilala, ang namatayan, nasugatan, nasunugan, at nawalan. Dahil sa mga pangyayaring ito, sa sandal ng iyong  pagtataka, nagtatanong ka . . . bakit? Iniisip mo, “akala ko marunong ang Diyos, maawainat kasukdulan ng lahat ng dangal at kabanala.” Totoo kayang kagustuhan din niya ang  bagsik ng digmaan at ang mga pagkakataong nagpapalabas ng magaspang na katibayanng kalupitan ng tao: ang paglaplap ng laman, ang pagdukot ng mata, ang pagtapos nghita, ang hatiin ang ng dalawang kalabaw, ang pagbunot ng buko, ang paggilit ng leeg, ang paglagari ng balikat, ang pagbali ng tadyang sa pamamagitan ng palupalo- totoo kayana lahat nito at iba pang nagawa na hindi nangyari kahit sa panaginip mong nilalagnat. totoo ...

SANAYSAY SA PANAHON NG MILITAR AT BAGONG LIPUNAN:

  FILIPIN(A) Kaya nga, madaling mawala ang mga bagay na pinababayaan lamang, ang mga bagay na hindi masyadong pinagtutuunan ng pansin, yung mga bagay na kampante ka na hindi mawawala.      Ganoon talaga - lilipas ang lahat ng bagay sa mundong ito. Nasa sa atin na lang kung paano haharapin ang katotohanang ito. Hindi lahat ng bagay papabor sa iyo, ngunit puwede mong paboran ang sitwasyon.      Hindi nga lang sa lahat ng pagkakataon.      Tulad na lamang ng "aksidente" noong Martes ng gabi (Pebrero 25, 2014) sa isang mall sa Binondo, Manila. Isang tatlong taong gulang na batang na nagngangalang Charles Ivan Pascual ang nabawian ng buhay matapos makaladkad ng rubber hand rail ng escalator at mahulog mula sa ikalawang palapag ng mall. Hindi gaanong binabanggit sa balita ang pangalan ng mall at sa pagay ko'y wala akong kadahilanang ilagay pa ito rito. Kung sa bagay, wala namang pagkukulang ang naturang mall. Kasama ng b...

SANAYSAY SA PANAHON NG HAPONES

  KAYUMANGGI ANG IYONG KULAY Alejandro G. Abadilla Ikaw, Huwan, ay kayumanggi. Iyan ay katotohanang hindi mo maaring itatwa: ang ikaw ay kayumanggi, hindi puti ni hindi dilaw. Damhin mo ang kahalagahan ng iyong kulay. Ibangon mo ang iyong paniwala ang karangalan at kadakilaan ng iyong lahi--iyang iyong pagiging kayumanggi. Datapwa, kung ang pagbabangon ay nangangahulugan ng pagkakaroon mo ng bagong paninindigan ukol sa kulay, bakit hindi ka makabangon ngayon, Huwan? Bakit hindi hanggang may pagkakataon ay kumilos ka? Ngayon ang pagkakataon para sa iyo--magbangon ka, magbago ka ng paniniwala! Mag-aral ka, pag-aralan mo ang iyong kasaysayan. Ipamamata sa iyo ng iyong kasaysayan bilang tao at bilang lahi na ikaw ay may sariling katulad niya: na ikaw, sa kabila ng mga dantaong pagkalukob niya sa iyo, ay taglay mo rin ang sariling bigay ng kalikasan, at sa gayon, hangga ngayon, ay nananalaytay sa iyong ugat ang iyong matandang kaugalian, kultura, wika, at sining, na buong liwa...

SASANAYSAY SA PANAHON NG AMERIKANO

  MALING EDUKASYON SA KOLEHIYO   Ni: Jorge Bocobo Isa kayang posibilidad na sa halip na maging tunay na edukasyon ang itinuturo sa kolehiyo ay maling edukasyon? Ang sagot ko dito ay “oo.” Isa itong kabalintunaan, subalit hindi maitatatwang katotohanan. Naniniwala tayong lahat sa kahalagahan ng edukasyon sa unibersidad, kung kaya’t tayo ay nag-aaral sa mga unibersidad. Datapwat, katulad ng mga paraan upang mapaunlad ang pamumuhay, magagamit ang edukasyon upang magtayo, maggupo, magturo o manlinlang. Nagkaroon ako ng pagkakataong suriin ang mga kalakaran at kaisipan sa loob ng sampung taon ng paglilingkod sa Unibersidad ng Pilipinas. Karamihan sa mga estudyante ay nakatupad sa inaatas sa kanilang tungkulin sa ilang aspekto ng unibersidad. Subalit malungkot aminin na ang kilos at pag-iisip ng maraming estudyante ay nagbibigay-daan sa pagkabansot ng isipan, sa pagkatuyo ng puso at sa pagkitil sa kaluluwa. Tatalakayin ko ang tatlong paraan ng maling edukasyon na binabayaran ng ...

SANAYSAY SA PANAHON NG HIMAGSIKAN

  Ang Liwanag at Dilim Madalas namang mangyari na ang Kalayaan ay sinasakal ng mali at bulag na pagsampalataya, ng mga laon at masasamang ugali, at ng mga kautusang udyok ng mga akalang palamara. Kung kaya may katwiran ay dahil may kalayaan. Maaaring mamahala ang mga hangal at lilong Pinuno, na mag-akala ng sa sarili bago ng sa iyo, at salawin ka sa ningning ng kanilang kataasan at mga piling pangungusap na nakalalamuyot. Kinakailangan ngang matalastas mo’t mabuksang tuluyan ang iyong pag-iisip, nang makilala mo ang masama at mabuting Pinuno, at nang huwag masayang ang di-masukat mong mga pinuhunan. Ang kadahilanan nga ng mga Pinuno ay ang Bayan, at ang kagalingan at kaginhawaan nito ay siyang tanging dapat tunguhin ng lahat nilang gawa at kautusan. Ano pa mang mangyayari, ang mga Pinuno ay siyang mananagot. Tungkol nila ang umakay sa Bayan sa ikagiginhawa. Kailan pa ma’t maghirap at maligaw ay kasalanan nila. At kung ang nagkakasala sa isang tao ay pinarusahan, ano k...

SANAYSAY SA PANAHON NG PROPAGANDA

  The Indolence of the Filipinos Ni: Dr. Jose P. Rizal The Indolence of the Filipinos is a study of the causes why the people did not, as was said, work hard during the Spanish regime.   Rizal pointed out that long before the coming of the Spaniards, the Filipinos were industrious and hardworking.   The Spanish reign brought about a decline in economic activities because of certain causes:             First, the establishment of the Galleon Trade cut off all previous associations of the Philippines with other countries in Asia and the Middle East.   As a result, business was only conducted with Spain through Mexico.   Because of this, the small businesses and handicraft industries that flourished during the pre-Spanish period gradually disappeared. Second, Spain also extinguished the natives’ love of work because of the implementation of forced labor.   Because of the wars between Spain and other ...

SANAYSAY SA PANAHON NG KASTILA

  Sa Katungkulan sa Bayan ni: Padre Modesto de Castro Felisa: Si Honesto, kung makatapos na nang pag-aaral, matutong bumasa ng sulat, sumulat, cuenta at dumating ang kapanahunang lumagay saestado, ay di malayo angsiya'y gawing puno sa bayan, kaya minatapat ko sa loob na isulat sa iyo ang kanyangaasalin. Kung siya'y magkakatungkulan, at ang sulat na ito'y ingatan mo at nang may pagkaaninawan kung maging kailagan. Ang mga kamahalan sa bayan, ang kahalimbawa'l korona na di ipinagkakaloob kundi sa may karapatan. Kaya di dapat pagpilitang kamtan kundi tanggihan, kung di mapapurihan; ang kamahalan atkarangalan ang dapat humanap ng koronang ipuputong. Ang karangalan, sa karaniwan, ay may kalangkap na mabigat na katungkulan, kaya bago pahikayat ang loob ng tao sa pagnanasa ng karangalan, ay ilingap muna ang mata sa katungkulan, at pagtimbang-timbangin kung makakayanang pasanin. Pag-aakalain ang sariling karunungan, kabaitanat lakas, itimbang sa kabigatan ng katungkulan, at ...